Kanina, ikinasa ni Pedrography, Palaweño content creator, ang kaniyang Facebook polls hinggil sa nasabing usapin kung saan dakong 9:36 ng gabi ngayong Miyerkules, Pebrero 19, nakapagtala ng 1,279 kabuuang participation ang kaniyang online poll.
Makikita rito na nakapagtala ng 2 porsyentong boto mula sa 32 katao ang pabor sa pagmimina habang 97 porsyentong boto naman mula sa 1,247 katao ang naghahayag ng kanilang pagtutol.
Sa ngayon, matunog pa rin ang usapin ng pagpapalawak ng pagmimina sa Palawan na matinding tinututulan ng libu-libong mga mamamayan sa lalawigan.