PUERTO PRINCESA CITY — Nilahukan ng iba’t ibang dibisyon partikular na ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang isinagawang Inception workshop na ginanap sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Ang nasabing aktibidad ay patungkol sa pagbuo ng lokal na patakaran sa karbon para sa lalawigan ng Palawan na hinost ng Conservation International Philippines na kung saan nagsilbi ito bilang panimula ng kurso sa mga paksa gaya ng mga carbon credit, pangangalakal, at ang mga benepisyo ng potensyal na paggamit ng mga sistemang ito sa ilalim ng mga mandato ng PCSD.
Ayon sa ahensya, ang mga paksang tinalakay sa 2 araw na aktibidad nitong nakalipas na Hulyo 18-19, 2024, ay nagbigay ng pundasyon ng mga kaalaman para sa pagbuo ng writeshop agenda upang makagawa ng isang pansamantalang patakaran sa regulasyon ng carbon credit sa Palawan.
Ang naturang aktibidad ay magkakaroon din ng ikalawang bahagi upang magbalangkas ng instrumento ng mga patakaran para sa pagsusuri at pag-apruba sa hinaharap na nakatakdang magsimula sa Agosto 12-13, ngayong taon.
Ang kaganapan ay nilahukan ng Legal Service Section, ECAN Education and Extension Division, ECAN Monitoring and Evaluation Division, and District Management Offices Calamian, North and South.
Ang pagtutulungang ito sa pagitan ng PCSDS at Conservation International Philippines ay humahantong sa 20-taong pagsasama sa pangangalaga sa biodiversity ng Palawan.