PUERTO PRINCESA CITY — Sa pamamagitan ng direktiba ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates, mas pinalalakas ngayon ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ang mga kooperatiba sa lalawigan.

Nagkaloob ng pagsasanay na teknikal ang tanggapan sa mga magniniyog ng Barangay Magara at mga miyembro ng Malampaya Community and Indigenous People Agriculture Cooperative at Liminangcong Kabalikat Credit Cooperative na naglalayong matulungan ang mga ito sa pagpapaunlad ng kanilang mga kooperatiba at kaalaman.

Maliban dito, nagsagawa rin ng Pre-Membership Education Seminar (PMES) ang PCDO kung saan tinalakay ang usapin sa Financial Literacy na mahalaga sa ikatatagumpay ng bawat kooperatiba.