Photo courtesy | PIO Palawan

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA — Pansamantalang inilagak ang mga labi ni dating Board Member at Aborlan Mayor Nelson P. Peneyra sa Session Hall ng Legislative Building, Capitol Compound, ngayong hapon ng Martes, Nobyembre 14, bilang pagbibigay-pugay sa naging kontribusyon ng yumaong bokal mula sa ikalawang distrito ng Palawan.

Si Peneyra ay pumanaw sa edad na 80 nitong nakalipas na Nobyembre 11.

Kaugnay rito, nagpaabot naman ng pakikiramay at pakikidalamhati ang kapulungan sa pangunguna ni Bise Gobernador Leoncio N. Ola sa pamilya at mga kaanak ng dating alkalde.

Si Peneyra ay nanungkulan bilang bokal ng Sangguniang Panlalawigan mula taong 1987 hanggang taong 1998.

Samantala, bukas, Miyerkules, Nobyembre 15, nakatakdang ihatid ang mga labi nito sa kanilang tahanan sa bayan ng Aborlan.

Author