PALAWAN, Philippines — ANG Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ay magsasagawa ng Piso Caravan sa lungsod ng Puerto Princesa ngayong araw ng Sabado, Abril 20, 2024.
Ito ay inisyatibo ng BSP upang palawigin ang pagpapatupad ng BSP coin Recirculation program at ng BSP Clean Note and Coin Policy.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pera ay itinuturing na unfit kung ito ay may labis na pagkalukot, kupas ang imprenta o may mantsa.
Mutilated naman ang pera kung ito ay may punit, butas, nginatngat ng hayop o sira-sira.
Sa naturang caravan, ang mga marumi at sira-sirang pera ay pwedeng papalitan ng bagong pera o e-money.
Ang aktibidad ay gaganapin sa NCCC Mall Palawan, Lacao Street, Puerto Princesa City, Palawan simula alas diyes nang umaga (10:00 AM) hanggang alas tres nang hapon (3:00 PM).
Ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ay katuwang ng BSP sa naturang caravan.