Photo courtesy | Samuel Macmac

TAIMTIM na nag-alay ng panalangin ang mga mananampalataya sa Quiapo Church para sa kapayapaan ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa pagdaraos ng All Soul’s Day nitong araw ng Linggo, Nobyembre 3.

Hindi rin naman nagpatinag ang mga batang dumalo sa banal na misa kahit na mausok, maingay, at mahabang nakatayo sa labas ng simbahan sa gilid ng kalsada.

Ang ilang maninimba ay nagsindi naman ng kandila sa labas ng simbahan na itinirik sa mga maliliit na basyo ng lata para sa kanilang pag-alaala sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Ang Quiapo Church ay naging mahalagang bahagi na ng buhay ng mga mananampalataya.

Ang Poong Nazareno sa naturang simbahan ay nagsilbing pag-asa para sa mga nangangailangan ng gabay para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay maging sa kanilang mga minimithi.

Pagkatapos ng banal na misa ay umikot naman ang mga lay minister sa labas ng simbahan para basbasan ang mga mananampalataya gamit ang holy water.

Naniniwala naman ang mga maninimba sa Quiapo Chruch na nagkaroon ng katuparan ang kanilang kahilingan dito.

Sa nakapanayam ng

Repetek News

sa isang deboto ng Poong Nazareno sa nasabing simbahan ay tinugon ang kaniyang panalangin na makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) taong 2005 at isang take lamang.

Sa kasalukuyan, masaya siyang naglilingkod sa Department of Education (DepEd) bilang principal sa rehiyong MIMAROPA sa loob ng mahigit isang dekada.

Author