Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Gender and Development (GAD) at Gender and Development Focal Point System (GFPS) technical working group para sa layuning maisulong ang gender-sensitive governance sa kapitolyo.
Inilatag sa pagsasanay ang mga paksa na may kinalaman sa gender fair communications at functionality assessment tool nitong nakalipas na Disyembre 17 at ika-18 ng buwan na ginanap sa A&A Plaza Hotel, Lungsod ng Puerto Princesa.
Dagdag dito, binigyang focus at prayoridad sa pagsasanay ang pagtalakay sa inklusibong programa, proyekto at aktibidad na may kinalaman sa gender and development na masusing ipinaliwanag nina GAD Specialist Danielle Anteola at Francis Cornelio ng Philippine Commission on Women.
Pinangasiwaan ni Provincial Gender and Development Officer Richard Winston Socrates ang pagsasanay kasama sina Board Member Maria Angela Sabando bilang Chairperson ng Committee on Women, Family and Children ng Sangguniang Panlalawigan, at Executive Assistant Elizabeth Sabando ng Office of the Governor.