Photo Courtesy | Philippine News Agency
PUERTO PRINCESA CITY — Lumabas nitong Enero 24 ang pinakabagong resulta ng isinagawang survey ng OCTA Research hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) kung saan maraming Pilipino ang nananawagan sa gobyerno ng bansa na magkaroon ng matatag na paninindigan dito, ayon kay National Security Adviser Eduardo Ano.
“The survey, conducted last month among 1,200 adult respondents, has revealed that a significant majority of 72 percent believe that the Marcos administration should assert the country’s territorial rights in the WPS through military action, specifically through expanded naval patrols and troop presence in the area,” ani Año sa isang pahayag, na tumutukoy sa Tugon ng Masa Fourth Quarter Survey mula Dec. 10 hanggang 14, 2023.
“The government will carefully evaluate the survey results, taking into account the multifaceted nature of the WPS issue, to formulate policies that align with the collective aspirations of the nation,” dagdag pa niya.
Aniya, inuuna umano ng gobyerno ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkuha ng mga bagong kagamitan nang sa ganun ay makamit ang mas mahusay na depensa.
“We have also stepped up maritime and air patrols in the area as well as conducted maritime cooperation activities and exercises with the United States and with other countries in the future,” aniya pa.
Sinabi rin ni Año na kinikilala nila ang kahalagahan ng pang-unawa sa damdamin ng publiko at pagpapahalaga sa demokratikong proseso na nagpapahintulot sa mamamayang Pilipino na ipahayag ang kanilang mga pananaw sa mga usapin kaugnay ng nasabing isyu.
Tinuran din ng kalihim na hinihikayat nila ang patuloy na pakikipag-ugnayan at diskurso sa mga bagay na may kaugnayan sa pambansang seguridad at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtugon sa mga hamon, batay sa Facebook post ng Philippine News Agency (PNA).
Matatandaang, kaliwa’t kanan ang hinaharap na problema ng mga mangingisda hindi lamang sa West Philippine Sea kundi pati na rin sa Scarborough Shoal at iba pang isla na sakop ng bansa matapos na harangin o pigilang mangisda ng mga sasakyang pandagat ng Tsina ang mga Pilipinong tanging pangingisda ang ikinabubuhay, gayundin ang panghaharang ng China Coast Guard sa mga resupply boat na patungo sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal sa WPS.