PHOTO || CGS EASTERN - PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

SANIB-pwersa ang ginawang paghahanda ng mga miyembro ng Coast Guard Station Eastern Palawan, PCGA 410.5 Cuyo Division, 410.6 Magsaysay Division at mga Lokal na Pamahalaan ng Agutaya, Cagayancillo, Cuyo at Magsaysay, sa posibleng pagkakaroon ng masamang panahon hatid ng Bagyong Egay sa mga naturang munisipyo.

Inihanda na rin ng mga nasabing grupo ang kanilang mga kagamitan sa pagliligtas gaya ng Aluminum Boats, Life Jackets, Life Rings, at iba pang kasangkapan, ayon sa post sa Facebook ng Coast Guard Station Eastern Palawan.

Nagbigay rin sila ng mga paalala sa pamamagitan ng pag-iikot sa mga komunidad upang magbigay babala partikular na sa mga manlalayag at mga mangingisda ukol sa posibleng hatid ng masamang panahon.

Ayon sa PAGASA, bahagya umanong lumakas ang tropical storm #EgayPH habang patuloy na kumikilos pa-kanluran sa Philippine Sea.

Posibleng lumakas pa ito at maging severe tropical storm sa susunod na 12 oras at maging super typhoon pagsapit ng Martes o Miyerkules.