Photo courtesy | Journey Era

Ni Marie Fulgarinas

Batay sa datos ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO), aabot sa mahigit isang milyong bilang ng mga turista ang bumisita sa lalawigan mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Nakapagtala ng mahigit limandaang libong visitors mula sa domestic o mga lokal na turista habang 501,733 naman ang foreign o mga banyagang turista.

Ayon sa lokal na ahensya, nanguna sa listahan ang mga turistang mula sa bansang United States of America na kung saan ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 37,248 o 3.6 porsyentong total share. Sinundan ito ng bansang France na may 32,121 at United Kingdom na may 25,733 bilang.

Maliban dito, nakapagtala naman ng pinakamaraming tourist arrivals ang Lungsod mg Puerto Princesa na may 384,170, sinundan ng bayan ng El Nido na may 307,746, at bayan ng Coron na may 189,563.

Author