PHOTO | DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS/FACEBOOK

Ni Ven Mark Botin

PUMANAW na si Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople ngayong araw ng Martes, ika-22 ng Agosto.

Batay sa ulat ABS CBN News, kinumpirma ng palasyo ang pagpanaw ng kilalang Labor rights advocate para sa mga manggagawang Pilipinong nasa abroad.

Ayon naman sa opisina ng kalihim, pumanaw si Ople bandang ala-una ngayong hapon.

Matatandaang naka-medical leave ang kalihim noong ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr.

Si Ople ang founder ng Blas F. Ople Policy Center and Training Institute o mas kilalang Ople Center, isang non-profit organization kung saan ay nakatuon sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ang naturang organisasyon ay ipinangalan sa kaniyang ama na naging Labor Minister noong administrasyon ni yumaong Diktador Ferdinand Marcos Sr.

Si Toots Ople ay nagtapos sa University of Santo Tomas at Harvard Kennedy School. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino na umupo bilang Board of Trustees ng United Nations Trust Fund para sa mga biktima ng Human Trafficking.

Noong 2016, si Ople ay tumakbo bilang senador sa ilalim ng Nacionalista Party ngunit hindi nagwagi. Siya na-diagnose at nakipaglaban sa breast cancer.