Photo courtesy | PPO Palawan

Namahagi ng mga trauma bags, spine boards, kernmantle rope, at first aid ang tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga kampo ng sundalo sa lalawigan ng Palawan, kamakailan.

Pinaiigting ng kapitolyo na mapalakas ang serbisyo ng mga sundalo sa mga komunidad sa Palawan lalo na sa panahon ng kalamidad, sakuna, at iba pang emergency situations.

Maayos na tinanggap ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 7, Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11, Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9, Philippine Army 5th Special Forces (Airborne), at 3rd Marine Brigade ang nasabing kagamitan na makatutulong sa mga militar na magsagawa ng agarang pagresponde sa mga lugar na nangangailangan.

Author