BILANG bahagi nang nagpapatuloy na Bilateral Exercise sa pagitan ng 3rd Marine Brigade of the Philippine Marine Corps o PMC at United States Marine Corps (USMC) 15th Marine Expeditionary Unit, magkakaroon bukas, Mayo 15,2024 ng isang military convoy na magsisimula sa barangay Tiniguiban patungong Kamuning beach.
Ito ay magsisimula ng alas siyete ng umaga (7:00 AM) hanggang alas diyes ng umaga (10:00 AM).
Ang pagkakasunud sunod ng ruta ay Tiniguiban-Sta.Monica-Sicsican-Irawan-Iwahig-Luzviminda-Inagawan-Kamuning.
Kaugnay nito, pinapaabisuhan ang lahat ng mga residente at motorista sa lungsod ng Puerto Princesa sa mga sumusunod:
- Expect Traffic Delays- Dahil maraming military vehicles ang kasama sa convoy, ito ay maaaring magdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko. Upang hindi maabala, maaaring planuhin ang biyahe.
- Safety Precautions- Para sa kaligtasan ng lahat, panatilihin ang distansya sa lahat ng military vehicles. Sumunod sa instruksyon ng traffic enforcers at military personnel na itinalaga sa bawat ruta.
- Restricted Areas- May mga daanan o kalsada na pansamantalang isasara sa publiko sa oras ng convoy. Hinihiling na respetuhin ang mga nakapaskil na paabiso at harang.
- Noise Alert: Ang mga military vehicles ay maaaring makadagdag at magdulot ng ingay. Dahil dito, humihingi ng paumanhin at pag-unawa sa publiko.
- Emergency Services: Mayroon nakastandby na emergency services na reresponde sa mga hindi inaasahang insidente. Napakahalaga rin ng kooperasyon ng bawat isa para maging matagumpay at ligtas ang operasyong ito.