Pumanaw na ang 81-anyos Mindanaon vlogger na si Lola Wending, ayon sa Facebook post ng kaniyang apo ngayong gabi.
Binawian ng buhay ang lolang influencer nitong Linggo, Disyembre 29, taong kasalukuyan.
Sa Facebook post ni Irven John Valenzuela, kinumpirma nitong sumakabilang-buhay na ang kaniyang lola dahil sa karamdaman.
Nakikala si Lola Wending noong magkaroon ng lockdown bunsod ng Covid-19. Ilan sa kaniyang sikat na kataga ang “palangga taka kung buotan ka, ug dili ka magpabadlong, tagaan pa hinuon kita kanunay og kwarta”. | via Marie Fulgarinas,
Repetek News