Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Dininig ng Palawan Leg of Public hearing ang panukalang minimum wage adjustment sa lalawigan ng Palawan na pinangunahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – MIMAROPA katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at National Wages and Productivity Commission (NWPC), kahapon, araw ng Miyerkules, ika-11 ng Oktubre, ngayong taon.

Layunin ng pagdinig na alamin ang mga solusyon at nararapat na plano hinggil sa panukalang ‘adjustment’ o dagdag-sahod ng mga manggagawa sa lalawigan.

Ang pagdinig ay dinaluhan ng mga kawani ng gobyerno, manggawa, employers, mga kasambahay at public officials na ginanap sa Victoriano J. Rodriguez Hall sa gusaling kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan.

Author