Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Ilan sa pinakaaabangang palabas ngayong darating na Marso 2024 ang Miss Puerto Princesa, Balayong Basketball Tournament, Balayong Mythical Costume Competition, Battle of the Bands, Motorbike show, at marami pang iba.

Ang mga palabas ay gaganapin alinsabay sa pagdiriwang ng ika-20th Balayong Festival at ika-152nd Founding Anniversary ng Lungsod ng Puerto Princesa 🌸🌸🌸!

Samantala, sa darating na Pebrero 14 gaganapin ang ika-20th Love Affair with Nature sa Sitio Soliman, Barangay Iwahig, na magsisimula ng alas-kuwatro (4:00) nang madaling araw.

Author