Photo courtesy | USAID Philippines
PUERTO PRINCESA CITY — Bilang bahagi ng pangako ng gobyerno ng Estados Unidos kontra sa umaakyat na datos ng polusyon ng plastic sa karagatan, pinasinayaan nitong Nobyembre 14, Martes, ang ang 14-milyong piso ang modernong disenyo ng Recycling Facility sa Barangay Manggahan, Lungsod ng Pasig.
Ayon sa Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas, naisakatuparan umano ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID) katuwang dito ang eco-solutions company Green Antz Builders, Inc.
Tinatawag din ang pasilidad bilang Community EcoHub na nagbibigay-daan sa on-site na pagkolekta ng basura at pag-compost ng hanggang isang toneladang organikong basura bawat araw.
Maaari rin nitong i-upcycle ang mababang uri ng mga basurang plastik gaya ng mga pakete at plastik bag upang maging matibay na eco-bricks at pavers na angkop umano para sa pagtatayo ng mga bahay at iba pang istruktura.
“Finding solutions to the challenges of ocean plastic pollution requires innovation, creativity, and the strong commitment of government, private sector, and community partners,” ani USAID Environment Office Director Ryder Rogers.
“As your partner in prosperity, the US government stands with you all in building an inclusive economy and exploring innovative solutions to achieving cleaner oceans,” dagdag pa niya.
Maliban dito, nagkaloob din ang USAID ng mga elektronikong sasakyan at mga kagamitan na magagamit sa pangongolekta ng basura sa pamamagitan ng kanilang programa na “Clean Cities, Blue Ocean (CCBO)”.
“We built more than 20 EcoHubs with private partners over the years, but our goal for this community EcoHub is to establish an effective waste management program that can be adapted and replicated by other local governments,” saad ni Green Antz Builders CEO Rommel Benig.
Samantala, saksi naman sa nasabing aktibidad sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski, Pasig City Repredentative Roman Romulo, Green Antz Builders Founder CEO Rommel Benig, at mga barangay personnel.