Makikita sa larawan si Governor Victorino Dennis M. Socrates habang naglalagay ng kaniyang thumb mark sa “Declaration of Commitment” board bilang pagpapatunay sa kaniyang pangako sa pangangalaga ng kagubatan ng lalawigan ng Palawan. (Photo Courtesy: Provincial Information Office Palawan)

PALAWAN, Philippines – Isinusulong ng mga local leaders at iba pang stakeholders ang pagkakaroon ng moratorium sa pag-apruba sa aplikasyon ng new mining permits, mining exploration, mineral production sharing agree-ments o MPSA, at financial or technical assistance agreements nitong Biyernes, Abril 26.

Sa isinagawang 2024 Palawan Stakeholders’ Congress on Mining and the Environment (PSCME) sa Lungsod ng Puerto Princesa, napagkasunduan din dito ang iminumungkahing pagrepaso at pag-amyemda sa ilang probisyon sa Batas Republika Bilang 7942 o Philippine Mining Act of 1995.

Sa pagpupulong, tinalakay rin ang posibleng epekto ng pagmimina sa Socio-Economic Development, pag-sunod at pagsubaybay, sustenableng pagmimina at mga usaping kinakaharap ng Palawan partikular sa pangangalaga ng kagubatan ng lalawigan kung saan nagkaroon ng pagkakataon na magtanong at tumu-gon ang mga representante mula sa Civil Society Organizations, Indigenous People Community, Youth Sector at iba pang lokal sektor sa lalawigan.

Nagkaroon din ng online voting ang mga delegado sa isinagawang consensus building upang matukoy kung pabor ba sila o hindi sa mga panukala, pahayag, at rekomendasyong nakalap sa bawat paksang tinalakay na kung saan ang mga rekomendasyong pinaburan ng mga dumalo ay pagkakaroon ng “Mora-torium on the Approval of Applications for New Mining Exploration, New MPSA and FTAA”, karagdagang mga parusa sa mga paglabag ayon sa mga tuntunin at kondisyong nilalaman ng Environmental Compli-ance Certificate o ECC at Social Development and Management Program (SDMP), karagdagang royalty share, pag-utos sa mga mining businesses na kumuha ng local business permits mula sa kanilang mining host municipality.

Samantala, pinangunahan naman ni Governor Victorino Dennis M. Socrates ang isinagawang gold thumb marking ng mga delegado sa mapa ng Palawan na bilang pagsuporta at pagpapatunay sa deklarasyon at pangako ng mga ito sa pangangalaga sa lalawigan.

“Because of the practical unanimity of our declaration, I know we are all leaving this congress happy, even if also sobered because of the discussions knowing that we have a problem. [A]ng ating pinagkasunduan ay hindi naman talaga binding on anyone. It’s a declaration however, that will guide our decision makers, government officials at ako. I commit to abide by the declaration to do everything within my capacity in the performance of my functions as a local chief executive to see this declaration bear fruit in reality.”

Samantala, inihayag ni Palawan 2nd District Board Member Ryan Maminta na ipinababaatid ni Bise Go-bernador Leoncio Ola na “[m]ay this alliance called collective commitment, which we not just signed but we stamped our thumbmark [DNA] is not just commitment for three days, if not commitment which will lead to wider discussion towards us being responsible steward of the Environment.”

Tinuran naman ni Provincial Planning and Development Coordinator Sharlene D. Vilches na tinutupad ng Government Sustainability ang layunin ng summit at mga hakbang na dapat gawin para isulong ang re-sulta ng forum at declaration of commitment ng mga stakeholders.

“Our beloved governor said, the provincial government is committing our services to whatever plan of action we can do there in the statements. This is what the provincial government will do for us to con-tinue this work and we know that this is all for the mining industry and environment sector of the prov-ince of Palawan… It was succesful, we gathered all relevant stakeholders and everyone had participation in the process,” ani Vilches.

(Photo Courtesy: Provincial Information Office – Palawan )

Panukala naman ni Clink Hagedorn na isama ang religious sector sa mga miyembro ng Palawan Council for Sustainable Development o PCSD na sinag-ayunan naman ng mayorya.

Dagdag dito, layunin din ng summit na magkaroon ng iisang pananaw at magkaroon ng concensus hing-gil sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon patungkol sa pagmimina at pangangalaga sa kapaligiran ng lalawigan ng Palawan.

Ang 2024 Palawan stakeholders’ congress ay pinangunahan ng Palawan Environmental Government sa pamumuno ni Gov. Socrates at ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) na layon ay magkaroon ng talaan ng mga rekomendasyon at panukala na makakuha ng mayoryang boto mula sa mga stakeholders na dumalo sa pagpupulong.

Author