Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Uncategorized
  • Most wanted sa Taytay, timbog sa malawakang manhunt op
  • Uncategorized

Most wanted sa Taytay, timbog sa malawakang manhunt op

Repetek News

June 6, 2025 2 minutes read
504134337_1185814396890821_1951387571500606102_n

Photo courtesy: Palawan Provincial Police Office

Natugis na ang tinaguriang Rank No. 1 Most Wanted Person sa bayan ng Taytay matapos ang mahigit isang buwan mula nang ilabas ang warrant of arrest laban sa kaniya.

Ika-29 ng Abril, taong kasalukuyan, nang mag-isyu ng arrest warrant si Presiding Judge Emmanuel O. Artzao, 14th Judicial Family Court, Taytay, Palawan na matagumpay naman na nahuli ng pulisya ang 36-taong gulang na most wanted na kinilalang alyas “Dindo” nitong Hunyo 3.

Sa pamamagitan ng isang malawakang manhunt operation na isinagawa ng Taytay Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) Palawan Provincial Police Office (PPO), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4B naging matagumpay ang pagkakatimbog sa taong may pananagutan sa batas na napag-alamang isang drayber at residente ng Barangay Poblacion ng nasabing lugar.

Ang mga kasong isinampa laban sa kaniya ay paglabag sa Section 5(a), 5(b), 5(1) kaugnay ng Section 6(a) ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act, na may kabuuang itinakdang piyansa na P254,000.00.

Si alyas “Dindo” ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumento at tamang disposisyon.

Samantala, patuloy na pinaiigting ng Palawan PPO sa ilalim ng pamumuno ni PCOL. Joel D. Casupanan, Provincial Director ang operasyon laban sa kriminalidad, lalo na sa pagsugpo sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad. | Photo courtesy: Palawan PPO

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: Binatang most wanted, himas-rehas
Next: Pagsusuot ng facemask vs. Mpox sa San Miguel, binawi ng kapitan

Related News

Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
download
  • Uncategorized

Pagbaba ng singil sa kuryente, nilagdaan

Repetek News

September 19, 2025
1
  • Uncategorized

Hiling para sa public cemeteries, perimeter walls, 2 funeral vans

Repetek News

August 20, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.