PALAWAN, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa kasalubong na ambulansya ng Barangay Napsan Satellite Clinic nitong Sabado ng hapon, Oktubre 21, sa Western Puerto Princesa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Louie Jay Moya, 28-anyos, kolektor, at residente ng Barangay Sicsican habang ang driver ng ambulansya ay kinilalang si Teodulfo Medel, 44-anyos, at residente ng Barangay Napsan.

Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 2 Irawan, patungo ng kabayanan si Moya nang mag-overshoot ito sa pakurbadang bahagi ng kalsada kung saan nagkataong paparating naman ang ambulansya na naging dahilan ng banggaan ng mga ito.

Magtamo ang biktima ng malalang pinsala sa katawan na isinugod naman sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.