Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Mamaya sa Governor’s at Speaker’s Night, tampok ang espesyal na performance ng Pinoy Comedian na si Wacky Kiray, mga pagtatanghal ng Palawan Dance Ensemble at Provincial Capitol Band, at ang pinakahihintay na raffle draw kung saan maaaring manalo ng isang motorsiklo na Yamaha Mio Gear S ang mga dadalong manonood.

Sa Facebook post ni Mayor Marjo Reyes, inaanyayahan nito ang mga Coronians na dumalo at makisaya sa kaganapan mamayang gabi na gaganapin sa Coron Coliseum ngayong Lunes ng gabi, Agosto 26.

Paalala ng alkalde, huwag kalimutang magparehistro para magkaroon ng pagkakataong manalo ng motorsiklo.

Ayon pa sa alkalde, kailangang pagparehistro simula alas 6 ng hapon, bukas lamang ito para sa mga 18-taong gulang pataas, isang stub ang ibibigay sa kada tao, at siguraduhing ihulog ang stub sa tambilo upang makaroon ng pagkakataong manalo.

“Kita-kits po tayo at sabay-sabay nating ipagdiwang ang kasiyahan ng ating Kasadyaan Festival 2024!” ani Reyes.

Author