Photo Courtesy | PIO Palawan

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Itinanghal na Best in Festival Wear ang kandidata ng bayan ng Narra na si Cherry Mae Villanueva na idinisenyo ni Alvin P. Yan na kung saan kapuwa tumanggap ng tag-dalawampung libong pisong (P20,000.00) cash prize sa katatapos lang na Preliminary Competition ng Mutya ng Palawan 2024, kagabi, Huwebes, Hunyo 20.

Nasungkit naman ni Miss Taytay Beauty Juzien Kate Barcoma ang unang puwesto, suot-suot ang malikhaing gawa nina Gawang Law, Eco, at Philip. Habang si Miss Coron Villamare Gallares ang naging 2nd runner up ng naturang segment.

Hindi naman papahuli si Ms. Busuanga Risha Angela Bacones matapos nasungkit ang Special Award mula sa Palawan Doctors Diagnostics & Multi-Specialty Center na nagwagi ng limanlibong piso at 5k worth of services.

Kagabi, ipinakita ng mga kandidata ang kanilang galing sa pagrampa sa Swimsuit at Long Gown Competition. Ang dalawang segment na nabanggit ang magiging batayan para mapabilang sa Top 10 Finalists sa Grand Coronation Night ng Mutya ng Palawan sa darating na Hunyo 22.

Ngayong araw, nakatakda namang isagawa ang Pre-Judging ng mga ito na gaganapin sa Best Western Plus, Ivy wall Hotel dito sa lungsod ng Puerto Princesa.

Author