Photo courtesy | Facebook/Odies Travel)
Ni Ven Marck Botin
PALAWAN, Philippines – Mainit na sinalubong ng mga expectators, Banwa Dancers, at mga kawani ng City Tourism Office ang mga turistang banyagang lulan ng Ms Westerdam sa pangunahing daungan ng Lungsod ng Puerto Princesa ngayong umaga, Biyernes, Enero 12.
Ito ang ikalawang cruiseship na dumaong sa Lungsod ngayong taong 2024.
Matatandaan nitong taong 2023, dalawang (2) beses bumisita sa lungsod ang Ms Westerdam — ito ang mga buwan ng Marso at Nobyembre, lulan ang humigit-kumulang dalawanlibong (2,000) mga pasahero at crew members.