Pormal nang binuksan sa publiko ang Iwahig Ecopark tampok ang firefly watching sa mayamang mangrove area ng Iwahig River nitong gabi ng Sabado, Setyembre 28.
Dumalo sa kaganapan ang mga kinatawan ng travel and tour agencies, hotel and accommodations, private entities, media personnel, at mga kawani ng Puerto Princesa City Tourism Office upang personal na masaksihan ang muling pagbubukas ng Iwahig Firefly watching matapos ang matagal na pagsara nito sa publiko.
Maliban sa firefly watching, mayroon ding harana sa gabi, fire dancing, buffet, at star gazing date na swak para sa mga indibidwal na mahilig sa nightlife activities at nature tripping.
Magkakaroon din ng river cruise tours sa araw tampok naman ang paddle boat, fishing, at sunset viewing mula sa Iwahig Bridge.