Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Environment & Tourism
  • Naipit na Otter, na-rescue sa San Manuel
  • Environment & Tourism
  • Flora and Fauna
  • Palawan Affairs

Naipit na Otter, na-rescue sa San Manuel

Repetek News

June 13, 2025 2 minutes read
PCDS

Photo courtesy: Palawan Council for Sustainable Development and Staff (PCSDS)

Dalawang (2) Asian Small-clawed Otter o Dungon ang nakita sa bakawan ng Barangay San Manuel na kung saan tila naipit ang isa sa pagitan ng mga ugat habang sinusubukan naman hatakin ng kaniyang kasama upang mailigtas.

Ang nakakaantig na tagpong iyon ay nasaksihan ng nanginginas lamang sa bakawan ng nasabing barangay nang kaniyang mapansin ang dalawang dungon na nasa bakawan at nilapitan para tulungan. Ngunit agad tumakas ang isang dungon at tuluyang tumakbo palayo habang naiwan ang kasamang hindi makaalis sa kinalalagyan, ayon sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Dahil sa pangambang malagay sa panganib ang buhay-ilang, agad na tinulungan ang naipit na dungon sa bakawan at minabuting hanapan ito ng tamang pangangalaga kaya naman ipinagkatiwala ito sa kaniyang kakilala nasi Ginoong Jerry Boy Nillasca, residente ng naturang barangay ng lungsod ng Puerto Princesa, na siya naman personal na nag-turn over sa nasabing ahensya.

Ang Asian Small-clawed Otter o may siyentipikong pangalan na Aonyx cinera ay pinakamaliit na uri ng otter sa buong mundo. Batay naman sa ibinahaging impormasyon ng PCSD, ang nasabing dungon ay likas na “social animals”, mas komportableng namumuhay sa maliit na grupo o pamilya. Madalas silang nakikitang naglalaro, nagtutulungaan, at nagpapahayag ng pagkalinga sa isa’t isa.

Itinuturing na endangered species ito, ayon sa PCSD Resolution No. 23-967, na kung saan unti-unting bumababa ang kanilang populasyon dahil sa patuloy na pagkawala ng kanilang natural na tirahan, panghuhuli, at iba pang banta ng kalikasan.

Samantala, nasa maayos naman na kondisyon ang nailigtas na dungon nang dalhin ito sa Palawa Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) at PCSD. Inilahad din ni Dr. Glenn Rebong, PCSDS Veterinarian, walang nakitang sugat o anumang problema sa kalusugan ng otter, kaya’t matapos ang masusing pagususri, agad itong pinakawalan sa isang ligtas na bahagi ng kanyang natural na tirahan.

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: ‘Masidlakas’, pormal nang nagtapos sa OrMin
Next: ‘BEST BARAGATAN EVER’

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.