Nasawi ang 78-anyos na lolo nang magtamo ng multiple injuries mula sa sinindihang Judas belt, ayon sa ulat ng Kagawaran ng Kalusugan.

Batay rin sa pinakabagong datos ng ahensiya, nakatapagtala ang kagawaran ng kabuuang 125 kaso ng firecrackers related injuries sa buong Pilipinas simula nitong Disyembre 22 hanggang ika-28 ng buwan, ngayong taon.

Kaugnay rito, nakapagtala rin ng 24 bagong bilang ang ahensiya sa buong araw ng Sabado, Disyembre 28.

Sa datos din ng kagawaran, mas mataas ng 28 bilang ang buong isang linggong monitoring ng ahensiya sa Disyembre 22-28, taong 2024, kumpara sa taong 2023 na 97 kaso, na mas mataas ng 29 porsiyento.

Dahil dito, patuloy ang kampanya ng Kagawaran na wakasan ang paggamit ng mga paputok bagkus salubungin ang bagong taon ng mapayapa gamit ang mga alternatibong pampaingay at pailaw.

Author