Photo | Dinnah Bernardo
Maraming isyu ang dumadaan sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD). Ang pangangalaga sa kalikasan na nakaatang dito ay hindi isang simpleng bagay na paggawa ng mga polisiya, kundi nakapaloob din sa mga gawain ang pagbabantay, pag-aaral, koordinasyon sa ibang ahensiya ng gobyerno at implementasyon ng mga batas na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan.
Partikular sa Palawan, bago pa man makapagsimula ang isang proyekto na may posibilidad na makaapekto sa kapaligiran ay kailangan muna itong mabigyan SEP Clearance.
Isa sa proyektong ito ang pagbubukas ng mga kalsada na dadaan sa mga kabundukan na kailangan munang pag-aralan dahil sa maraming puno ang maaaring putulin upang magawa ito.
Kasama rin dito ang pagbubukas ng mga resort kung saan hindi lang ang paghawan sa lugar ang tinitingnan kundi pati na ang magiging epekto ng presensiya ng mga bagong gusali at tao na bibisita dito, maliban pa sa isyu ng pagtatapon ng basura dahil sa operasyon ng nasabing resort.
Maliban sa pagkasira ng kabundukan ay binabantayan din ang katubigan lalo na sa mga lugar na dinarayo ng turista dahil sa polusyon na maaaring maidulot nito.
Pinapag-aralan nito kung paano maiiwasan ang negatibong epekto ng mga bagong gawain sa mga delikadong lugar.
Kaya naman ang pagdaragdag ng panibagong kasama ay isinaalang-alang ng mga miyembro upang maging katuwang sa lahat ng mga gawaing nakaatang sa PCSD, para sa kapakanan ng kasalukuyan at henerasyong darating.