Photo courtesy | PNA

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY – Malugod na tinanggap ng National Security Council (NSC) ang resulta ng OCTA Research Survey kung saan sumasang-ayon ang karamihan sa mga Pilipino sa paraan ng pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa isang statement, inihayag ni NSC Adviser Eduardo Año na pinapahalagahan nito ang suporta ng mga mamamayang Pilipino sa nasabing usapin.

Batay sa resulta ng survey, 15 porysento ang itinaas ng pagsang-ayon ng publiko sa pagtugon ng Administrasyong Marcos sa nasabing pinag-aagawang karagatan.

Ayon pa sa dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), tiniyak nito na palaging isusulong ng pamunuan ng NSC ang pambansang interes at patuloy na pagtatanggol sa soberanya at teritoryo ng Pilipinas sa anumang pagkakataon.

Samantala, iniulat ng Radyo Pilipinas na ang 3rd Quarter ng “Tugon ng Masa” OCTA Research Survey ay isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Octubre 4, ngayong taon, kung saan 58 porsyento ng nasiyasat ang sumang-ayon sa paraan ng pagtugon ng kasalukuyang administrasyon kaugnay sa West Philippine Sea na pinag-aagawan ng bansang China at Pilipinas.

Author