PALAWAN, PHILIPPINES – NAGSAGAWA ng Change of Command Ceremony ang Naval Forces West (NFW) na ginanap sa
Naval Station Apolinario Jalandoon, Barangay San Miguel, Lungsod ng Puerto Princesa, nitong Mayo 10, 2024.

Ito ay pinangunahan ng Deputy Commander para sa Fleet Operations ng Naval Forces West ng Naval Task Force 41, na si Captain Charles Merric A. Villanueva PN(GSC) na kung saan ay bibitiwan na ni Cdr Jasper A. Abrenica PN ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad bilang CO ng BRP Jose Andrada (PC370) upang isalin kay LCdr Romar T. Ong PN.

Ayon sa NWF, bahagi ng seremonya ang paggawad ng Military Merit Medal at Plaque of Appreciation kay Cdr Abrenica PN para sa kanyang napakahalagang ginampanang serbisyo at pangako sa tungkulin bilang suporta sa pagtupad ng Naval Forces West mission sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Sealift and Transport Missions, at Maritime Patrols sa Western Command Joint Operational Area.

Ang kahalintulad na seremonya ay isinasagawa ung pormal na makapagpaalam ang isang indibidwal mula sa kanyang ginampanang tungkulin kasabay nito ang pagtanggap sa bagong hahalili sa kanyang posisyon.

Samantala, ang Naval Forces West, ay tinatanggap at nagpapaalam sa mga Outgoing at Incoming Skippers ng BRP Jose Andrada (PC370).