PUERTO PRINCESA CITY, Philippines – Nakiisa ang Naval Forces West (NFW), kasama ang mga OPCON units nito sa sabay-sabay na Flag-raising Ceremony para sa ika-126 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng bansa nitong Hunyo 12, 2024.

Ito ay may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”, hango sa The Katipunan (KKK), isang rebolusyonaryong lipunan na naging instrumento sa paglaban para sa kalayaan ng ating bansa.

Kasabay nito, ang mga tauhan ng NFW ay lumahok din sa mga aktibidad ng Local Government Unit (LGU) ng Palawan na nagpasimula ng Araw ng Kalayaan, kasama si Capt. Charles Merric A Villanueva PN(GSC), Deputy Commander for Fleet Operations, NFW na dumalo sa flag-raising at wreath-laying ceremony na ginanap sa Rizal Park, Puerto Princesa City.

Maliban dito, sabay-sabay ring nagsagawa ng kahalintulad na aktibidad ang team Naval Forces West sa PH-held Stations sa Kalayaan Island Group, West Philippine Sea.

Batay sa ipinadalang mensahe ni Chief of Staff, AFP ng Commander ng NFW, Commodore Alan M. Javier PN, hinikayat niya ang lahat ng tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy na ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas at protektahan ang ating teritoryo, gampanan ang kani-kanilang tungkulin ng may dedikasyon at pangako na walang humpay na pangalagaan at protektahan ang kalayaan ng Pilipinas.

Inihayag din ng Naval Forces West na ang mga Sailor, Marines, at Civilian Human Resource ng Naval Forces West ay kaisa ng mamamayang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan pagdating sa maritime ng bansa.