PHOTO | DTI MIMAROPA

Ni Clea Faye G. Cahayag

BUMISITA kamakailan sa isla ng Linapacan si Department of Trade and Industry (DTI) MIMAROPA Officer-In-Charge (OIC) Regional Director Rodolfo Mariposque.

Layunin ng kanyang personal na pagbisita sa lugar ang pakikipag-usap kay Linapacan Mayor Emil Neri para sa planong pagtatayo ng Negosyo Center at Shared Service Facility sa naturang lugar.

Ang hakbang na ito ay isa sa maraming pamamaraan ng ahensya para maabot maging ang mga pinakamalalayong lugar sa rehiyon upang palakasin ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng DTI para sa pagpapaunlad ng negosyo.

Ang Linapacan ay apat na oras ang layo sakay ng bangka mula sa kilalang tourist spot sa Coron, matatagpuan dito ang Linapacan Strait na tahanan ng maraming komunidad ng mga mangingisda.