Photo Courtesy | Repetek

PUERTO PRINCESA CITY — Lubos ang galak ng mga residente ng Barangay New Agutaya matapos magsagawa ng serbisyong medikal, dental, tuli, haircut, at libreng gamot ang Department of Health (DOH) Palawan, Provincial Health Office (PHO) at Philippine National Police (PNP) San Vicente nitong Huwebes, Pebrero 19.

Sa panayam ng lokal midya kay Punong Barangay Alex L. Baaco, inihayag nito na layunin ng programa na maipaabot sa mga residente ang libreng serbisyong medikal upang mabawasan ang mga kalakip na gastusin at mapalakas ang sektor ng kalusugan sa kaniyang barangay.

Ani Baaco, nakipag-ugnayan ang kaniyang konseho sa tanggapan ng DOH, PHO, at PNP upang magkaroon ng nabanggit na programa sa kaniyang mga nasasakupan.