Mahigpit na ipatutupad ng pamunuan ng Puerto Princesa International Airport (PPIA) ang “No Access Pass, No Entry”simula Enero 1 sa susunod na taon alinsunod sa kanilang 2025 Access Pass at Vehicle Pass Policy na inanunsyo nitong araw ng Biyernes, Disyembre 27.

Sakop ng nasabing patakaran ang lahat ng empleyado ng CAAP-PPIA, mga indibidwal na may negosyo sa loob ng paliparan, tourist transport operators, travel agencies, accommodations, car rentals, at cargo forwarders.

Simula sa petsang nabanggit, ang makapapasok lamang sa paliparan ay ang mayroong valid Access Pass at Vehicle Pass habang ang mga walang dalang kahit anong access pass ay hindi papayagang makapasok.

Maaari namang mag-apply para sa Temporary Access pass sa CAAP-PPIA, kinakailangan lamang na makumpleto ang mga dokumentong kanilang hinihingi.

Samantala, Hinihikayat naman ng CAAP-PPIA ang lahat ng mga empleyado at pasahero ng paliparan maging ang mamamayan ng lalawigan na sumunod sa patakarang ito upang matiyak ang maayos at ligtas na operasyon ng paliparan simula sa pagpasok ng bagong taon.

Author