PALAWAN, Philippines — Inirereklamo ngayon ng concerned citizen ang ginagawang road construction sa kahabaan ng Barangay Iwahig, Lungsod ng Puerto Princesa, dahil walang anumang early warning at visible reflector na posibleng magiging dahilan ng anumang matinding aksidente sa mga motoristang naglalakbay sa gabi.
Sa bidyong ipinadala ng aming source, makikita ang putul-putol na road reconstruction sa kahabaan ng nabanggit na barangay kung saan makikita rito na walang anumang nakalagay na ‘active night vision road signs’ na makatutulong sana sa mga motoristang dumaraan sa lugar.
“Napakadelikado [nito]. Walang visible na reflector. Walang Early warning.
Mula po sa gate ng [Iwahig Prison and Penal Farm] papuntang [Irawan, mga 1 km, pinakaunang barikada na walang reflector —nakakabigla po.
[Napaka-delikado po kasi. Nakakagulat lalo na sa mga galing South na hindi pamilyar na may ganu’n palang sitwasyon plus sobrang dilim po roon],” pagbabahagi ni James, isang concerned citizen, sa
Repetek News
team.Sa ngayon, inaalam pa ng
Repetek News
ang kompanyang nasa likod ng isinasagawang road reconstruction sa lugar upang makuha ang kanilang panig.