Mayroong dagdag na serbisyong medikal na maipagkakaloob sa mga pasyente ang Northern Palawan Provincial Hospital o NPPH sa Taytay, Palawan, dahil pormal nang itinurnover noong Agosto 19, ang isang Whole Body Computed Tomography o CT Scan – Sufria 32 slice with complete accessories sa naturang ospital.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Department of Health’s Health Facilities Enhancement Program (DOH-HHEP) at ng ADB-HEAL Project katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Victorino Dennis M. Socrates at opisina ng Unang Distrito ng Palawan sa ilalim ng pangangalaga ni House Speaker Martin Romualdez.
Maliban sa CT Scan, ipinagkaloob din sa NPPH ang isang bahay tuluyan na magsisilbing pansamantalang tuluyan ng mga kamag-anak o bantay ng pasyente lalo na ang mga manggagaling pa sa island municipality ng Palawan.
Ang aktibidad ay dinaluhan nina Asec. Paolo S. Teston, Assistant Secretary of Health, Senior Project Manager Ezekiel Kamangulu Musili ng United Nations Office for Project Service (UNOPS), Mayor Christian V. Rodriguez, kinatawan mula sa Provincial Government of Palawan, 1st District Caretaker Office, NPPH Chief of Hospital Dr. Juvelito C. Ang at NPPH Chief of Clinics Dr. Sean Lezada.