Ni Ferds Cuario
Makikita sa larawan sa ibaba ang mga On-the-Job-Trainees (OJT) at Nursing Student ng Palawan State University (PalSU) sa kanilang culminating activity sa Barangay San Miguel, Lungsod ng Puerto Princesa, nitong Mayo 8, 2024, matapos ang kanilang halos isang buwan na Intensive Nursing Practicum at Community Health Nursing sa nabanggit na barangay.
Sa panayam, malaki ang pasasalamat ni Barangay Chairman Prince Russel Gloriani sa mga naging kontribusyon ng mga nasabing estudyante kaugnay sa pagbibigay ng serbisyong kalusugang pangangalaga sa mga naninirahan sa Barangay San Miguel.
Ang nasabing culminating activity ay isinagawa sa Rural Health Building o RHU ng Barangay San Miguel na malapit namang matapos ang konstruksiyon ng gusali.
Ayon kay Kapitan Gloriani, hiniling niya sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na maglaan ng pondo para sa completion ng kanilang mini- hospital na nagkakahalaga ng anim (6) na milyong Piso.