PUERTO PRINCESA CITY — Nitong Lunes, Marso 25, ikinasa ng Land Transportation Office (LTO) Palawan ang operasyon kontra colorum sa bahagi ng Barangay Sta. Lourdes sa nabanggit na lungsod upang tugisin ang mga public utility vehicles (PUVs) at mga pribadong sasakyan na walang mga prangkisa.
Daan-daang mga sasakyan ang mahigpit na ininspeksiyon ng ahensiya upang suriin ang mga dokumento ng mga ito.
Inilunsad ng LTO Palawan ang operasyon kontra kolorum upang habulin ang mga pasaway na drayber at PUV operators na bumibiyahe sa buong lalawigan ng walang mga kaukulang papeles.
Dahil dito, lubos na apektado ang mga libu-libong pasahero sa lalawigan ngayong Semana Santa na papauwi sana sa kani-kanilang mga bayan.
Maliban sa mga pampasaherong bus, iilan lamang ang mga pampasaherong van ang may prangkisa na maaaring bumiyahe saanmang sulok ng Palawan.
Sa ngayon, inaalam pa ng
Repetek News
Team ang bilang ng mga sasakyan na nahuli dahil sa kawalan ng prangkisa.