Photo courtesy | Subaraw Biodiversity Festival

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Gaganapin na bukas, Nobyembre 8, ang pinakaaabangang Subaraw National Hip-Hop Dance Competition sa City Coliseum kung saan magtatagisan ng galing ang mga nakaparehistrong dance group sa Pilipinas bilang partisipante ng kompetisyon.

Tumataginting na 100,000.00 Philippine pesos, sertipiko at tropeo ang maiuuwing grand prize habang Php75,000.00 at Php50,000.00 naman ang maiuuwing premyo ng masuwerteng grupo para sa ikalawa’t ikatlong puwesto.

Mula labinlima (15) hanggang dalawampung (20) mga indibidwal ang required members kada grupo na tatagal naman ang performance nang apat (4) hanggang anim (6) na minuto.

Author