TAGBUROS, Puerto Princesa — Kabuuang 2.25 milyong piso ang kinita ng dalawampu’t tatlong (23) mga exhibitors na nakilahok sa nakaraang Baragatan sa Palawan Festival, ayon sa Provincial Economic Enterprise Development Office (PEEDO) ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang nasabing mga exhibitors ay nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan na kinabibilangan ng 72 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Sa ilang gabing pagdiriwang ng kapiyestahan, ibinida ng mga exhibitors sa Palawan Souvenir Trade Fair ang kanilang mga natatangi at dekalidad na gawang lokal na mga produkto mula pa sa kani-kanilang bayan.
Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, sinagot ng Department of Trade ang Industry (DTI) ang 40% ng booth rental ng mga exhibitors ng Palawan Souvenir Trade Fair katuwang ang tanggapan PEEDO.
Pinasalamatan naman ng mga MSME ang Pamahalaang Panlalawigan at DTI Palawan dahil sa pagkakataong matulungan silang magtinda ng kani-kanilang mga sariling produkto. (Photo: PIO Palawan)