PUERTO PRINCESA CITY — Kumpiskado ng Coast Guard District Southwestern Mindanao ang 350 kahon ng mga puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng 21.6 milyong piso sa katubigang sakop ng Olutanga Island nitong Marso 18, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa tauhan ng PCG-manned Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) vessel, lulan ng sasakyang pandagat na MPD TRD Express ang mga kahon-kahong ‘undocumented cigarettes’ habang binabaybay ang katubigan ng Zamboanga Sibugay.
Sa ngayon, ang naturang sasakyang pandagat at mga kontrabando nito ay inilagak sa Bureau of Customs (BOC) para sa profiling at paghahanda ng kaukulang kaso sa mga taong nasa likod ng pagpupuslit ng iligal na kontrabado.