Photo Courtesy | Repeteknews

PUERTO PRINCESA CITY — Suportado ni Senadora Imee Marcos-Manotoc ang pagpapalawak ng Ospital ng Palawan o ONP mula sa 200 beds facility hanggang 400 beds.

Sa press conference ng senadora sa kapitolyo nitong Marso 22, sinabi nitong handa ang kaniyang opisina na tumulong sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng hospital facility ng nabanggit na pagamutan.

Binigyang-diin din nito na kaniya ring pagtutuunan ng pansin ang mga pangangailangang medikal ng mga kababaihan gaya nang Obstetric Gynecology, surgery, maternal at infant mortality, morbidity, at pati na rin ang ukol sa mental health na mas tumatama sa mga kababaihan na siyang dahilan ng depresyon.