Photo courtesy | El Nido Tourism

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — ‘Allowed’ o pinapagayan ng lokal na pamahalaan ng El Nido, Palawan, ang pagdadala ng anumang mga pagkain gaya ng bentoboxes, party pans, at assisted buffets habang nagsasagawa ng island hopping tours sa mga isla ng nabanggit na bayan.

Sa Facebook post, kinumpirma ng Tourism Office na maaaring magdala ng pagkain ang kanilang mga parokyano mula sa mga licensed food establishment havang namamasyal sa lugar.

“Guests can choose their preferred food and preparation style when island hopping in El Nido, as long as the food is prepared in any licensed food establishment. The style of meal preparation chosen depends on by both the guest’s preferences and the travel agency chosen. Bentoboxes, party pans, and assisted buffets are common choices,” pahayag ng tanggapan.

Anila, ipinagbabawal ang paghahanda ng mga pagkain sa mga bangka o isla ng El Nido, Palawan, bilang pagtalima safety and sanitary sa mga pagkaing inihahain sa lugar.

“However, for safety and sanitary reasons, food preparation on boats is absolutely prohibited,” pagbibigay-diin ng tanggapan.

Pinaaalalahanan naman ng lokal na ahensya ang mga turista na mariing magplano para maayos at ligtas na pagbisita sa kanilang bayan

“As a result, tourists should plan with their selected travel agency to ensure a great and safe dining experience while seeing the gorgeous islands of El Nido,” saad ng tanggapan.

Author