Photo Courtesy | Odie’s Travel

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Kauna-unahan o maiden call ang pagdaong ng cruise ship na Crystal Symphony sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong Marso 8, ayon sa ulat ng tanggapan ng City Tourism.

Ayon pa sa tanggapan, lulan ng naturang cruise ship ang nasa 700 pasahero at 600 crew members na dumating sa lungsod nitong Biyernes nang umaga na malugod na sinalubong ng Banwa Dancers, City Choir, mga kawani at opisyal ng nasabing opisina.

Nagkaroon din ng palitan ng ‘plaque’ bilang simbolo ng malugod na pagtanggap sa mga banyagang bisita.

Namasyal naman ang mga bisita sa iba’t ibang nagagandahang destinasyon ng Puerto Princesa.

Ang pagdaong ng Crystal Symphony ang ika-anim (6th) na cruise ship na dumating sa lungsod ngayong taong 2024.

Author