PUERTO PRINCESA CITY — Pormal nang sinimulan ang pagdinig kahapon, araw ng Miyerkules, Oktubre 25, ang panukalang 526 milyong pisong taunang pondo ng lokal na pamahalaan ng bayan ng San Vicente, Palawan.
Sa Facebook post, iniulat ng Sangguniang Bayan ang isinagawang budget hearing kahapon ng Committee on Laws at Committee on Appropriation sa panukalang Php526,325,094.36 annual budget ng lokal na pamahalaan at Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) para sa taong 2024.
Samantala, inaasahan ng Sangguniang Bayan na magpapatuloy ang pagdinig ng komite hanggang ikalawang linggo sa darating na buwan ng Nobyembre, ngayong taon.