Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng nabanggit na barangay simula mamayang alas-otso ng gabi (8:00 PM) ngayong Miyerkules, Nobyembre 20, na magtatagal hanggang alas-kuwatro ng madaling araw (4:00 AM) ng Huwebes, ika-21 ng buwan.
Mawawalan ng suplay ang mga kabahayan at establisyemento sa bahagi ng Lomboy Street, Ildefonso Subd., SNMI HOA, Joseph D Saint Subd., Napocor Ville, Carlou Ville Subd., Ihai Subd., Green Fields HOA, at Sea Breeze HOA ng Brgy. San Jose.
Ayon sa tanggapan ng Puerto Princesa City Water District, ang dahilan ng pagkaantala ay ang isasagawang pag-conduct ng District Metering Area sa nabanggit na barangay.
Pinapayuhan ang mga maaapektuhang consumers na mag-ipon ng tubig sa panahon ng maintenance/expansion activity