PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Sa privilege speech ni 1st district Board Member Nieves Rosento nitong Hunyo 11, 2024, iminungkahe ng bokal ang paglalagay ng speed limiter sa lahat ng pampublikong pampasaherong sasakyan na bumibiyahe sa norte at sur ng lalawigan ng Palawan.
Bunsod ito ng sunod-sunod na nangyaring aksidente sa kalsada mula noong Enero hanggang ngayong buwan ng Hunyo na kung saan ay kumitil ng ilang buhay.
“Kung mapapansin po natin ay may dalawang aksidente na nangyari sa parehong bayan ng Roxas at Puerto Princesa, this unfortunate events only indicates that we have a critical issue that involves lives that we need to address dahil sa mga pangyayaring ito maraming pamilya maraming buhay ang naapektuhan at higit sa lahat mayroon ding naapektuhang mga turista,” ani Rosento.
Aniya, malaking isyu rin umano ang seguridad ng kalsada sa Palawan na kinakailangang bigyan ng agarang aksyon.
Maliban dito, apektado rin ng naturang isyu ang Tourism industry sa lalawigan, dahil kamakailan lang ay mayroon umanong turistang na-ospital.
“Ito po ba ay magbibigay ng isang magandang imahe para sa lalawigan ng Palawan in terms of tourism? dahil involved din ang mga turista sa mga aksidenteng ito gaya na lamang ng nangyari noong January sa Roxas kasama ang 12 pasahero na nahulog sa creek. Ito ay nagkaroon ng iba’t ibang suhestyon ng iba’t ibang pag-atake sa iba’t ibang mga pahayagan, in line with this maaari po nating ma-adopt ang RA 10916 an act requiring a mandatory installation of speed limiter in public utility in certain lights of vehicles at magkaroon na rin po tayo ng ordinansa requiring the installation of speed limiter device in public vehicles in Palawan to ensure safety and prevent accidents,” dagdag pa ng bokal.
Ayon pa kay Rosento, maaaral umano sa concern ng committee ng transportation na ma-implement sa lalawigan ng Palawan ang naturang mungkahe.
“Also as per LTFRB Memorandum circular 2023 series of 2010, 2023 no. 010 at 2018 006 the guidelines for the Public Utility Vehicle Modernization programs to impliment the implementation the department order 2017-11 otherwise known as Umnibus Franchising guidelines, one of the requirements of the issuance of certificate of public convinience is the speed limiter, hindi po natin binabanggit na nakatuon lamang po tayo sa speed limeter meron din mga kaakibat po sigurong ibang nangyayari kung bakit nagkakaroon ng aksidente, posibleng sa kalsada, posibleng dala ng panahon, posible na iba’t ibang circumstances,” pagbibigay-diin niya.
Nais din niya na sa pamamagitan ng kanyang privilege speech ay maimbitahan ang iba’t ibang tanggapan na may kinalaman dito gaya nang LTFRB, LTO, Tourism sector, iba’t ibang asosasyon ng mga sasakyan at van sa buong lalawigan, at pati narin ang mga commuters upang pag-usapan kung ano ang mga nakakatulong upang maiwasan ang mga sunod-sunod na aksidente sa kalsada.
“Sa pamamagitan po nito maiiwasan po natin ang mga ganitong aksidente na napapaloob hindi lamang po ang mga lokal na mamamayan kundi ang ating mga turistang dumarayo sa ating lalawigan, nais po natin sana ang kaligtasan ng bawat isa, mapapalagay rin po ang loob ng mga turista at kapag nakikita nilang mayroon po tayong mga ginagawang hakbang sa ating lalawigan ng Palawan upang maproteksiyunan po ang kanilang isang kaaya-ayang pagbisita sa ating lalawigan,” ayon sa bokal.