Mayroong panukala ang Palawan 3rd District Caretaker Office sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pailawan ang mga tourist areas sa lungsod ng Puerto Princesa, ayon kay Karl “Koko” Fernandez Legazpi.
Ayon sa Chief of Staff ng First at Third District Caretaker Office, ilan lamang sa mga nais malagyan ng streetlight ang Nagtabon at Talaudyong.
Aniya, kapag napailawan ang mga atraksyon sa siyudad makatutulong ito sa paghikayat ng mga turista gayundin ang pagbibigay ng kaligtasan sa mga biyahero sa kalsada.
“Ang usapan sa Department of Tourism (DOT) yung mga tourist area mabigyan ng ligting kasi it will really help attract tourist sa Puerto kasi sabi ng DOT karamihan daw po kasi dumidiretso na ng El Nido walang masyadong nag-i-stay sa Puerto at saka road safety,” pahayag ni Legazpi.