PUERTO PRINCESA CITY – ISINOLI ng isang sampung (10) taong gulang na bata ang isang pagong o “Cuora cuoro cuoro”sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) nitong araw ng Lunes, Abril 1, 2024.
Ayon sa ulat ng ahensya, natagpuan ng bata si Pharrel Jin D. Cervantes ang naturang buhay-ilang sa loob ng kanilang tahanan sa Purok Bayanihan, Bgy. San Manuel noong nakaraang Biyernes, Marso 29.
Dahil na rin sa pagdiriwang ng Semana Santa, tatlong (3) araw na nanatili sa kanilang pangangalaga ang buhay-ilang bago ito isinurender sa tulong ng kanyang lola.
Ang nasabing buhay-ilang ay kabilang sa
“Endangered Species” sa ilalim ng PCSD Resolution 23-967.
Samantala, hinihikayat naman ng PCSDS ang mga kapwa mamamayan na kung makatagpo ng anumang uri ng buhay na buhay-ilang, iwanan ang mga ito sa kanilang natural na tirahan, ibalik o kaya’y ipagbigay-alam sa nabanggit na tanggapan para sa tamang pangangalaga at disposisyon nito.