Photo courtesy | NAPOLCOM 4B
PALAWAN, Philippines — Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region 4B sa pamumuno ni Regional Director Aileen T. Arcin ang pagproseso ng aplikasyon para sa darating na December 2023 Entrance and Promotional examinations.
Ang pagproseso ng aplikasyon ay ginanap sa Barangay Poblacion Covered court, San Agustin, lalawigan ng Romblon, at Bigkis Lahi Hall sa Camp Bgen. Efigenio Navarro, Brgy. Suqui, Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro.
Ang eksaminasyon ng Philippine National Police (PNP) Entrance (PNPE) ay bukas umano sa lahat ng mamamayang Pilipino na nais kumuha nito, edad 21 hanggang 30 taong gulang, at kailangan din na nakapagtapos ng bachelor’s degree.
Ang mga nakapasang examinees sa PNPE examination ay pagkakalooban umano ng police eligibility na kinakailangan para sa appointment sa ranggong Patrolman at Patrolwoman.
Samantala, ang PNP Promotional Examinations (PromEx) ay eksklusibo sa lahat ng qualified uniformed personnel ng PNP na nakatuon sa minimum qualification standards para sa eksaminasyon sa rank at eligibility.
Ang PNP Promotional Examination Title at Examination Rank Coverage (ERC) ay kinabibilangan ng Police Officer 4th Class (Police Corporal to Police Staff Sergeant); Police Officer 3rd Class (Police Master Sergeant to Police Executive Master Sergeant); Police Officer 2nd Class (Police Lieutenant to Police Captain), at Police Officer 1st Class (Police Major at Police Lieutenant Colonel).
Ang mga examinees na nakapasa sa PromEx ay pinagkalooban ng pagiging karapat-dapat sa pulisya na kinakailangan para sa pag-promote sa mga ranggo na naaayon sa Eligibility Rank Coverage (ERC) ng pagsusulit.