PALAWAN, PHILIPPINES – DAHIL sa nararanasang kakulangan ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bayan bunsod ng El Nino Phenomenon, sinimulan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pagrarasyon ng malinis na tubig sa ilang barangay na nasasakupan na sa mga barangay na nasasakupan ng West Coast area ng lugar.
Ang aksiyon na ito ay naglalayong tiyakin ang pantay-pantay na distribusyon ng mga yamang tubig at bawasan ang epekto ng patuloy na kakulangan ng tubig sa lugar.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Aborlan, Palawan, binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng sama-samang pananagutan sa pangangalaga ng mga yamang tubig para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon habang patuloy namang sinusubaybayan ng MDRRMO ang sitwasyon ng tubig sa iba’t ibang lugar ng munisipyo.
Samantala, ayon sa datos ng PAGASA, ang pananalasa ng 2023-2024 El Nino ay isa umano sa limang may pinakamataas na lebel ng init na naitala ito ay batay na rin sa datos ng World Meteorological Organization; habang 55% naman ang tsansang mananalasa ang La NiƱa pagkatapos ng El Nino Phenomenon.